Kasalukuyang nakapiit sa PNP detention cell ang mga suspek na sina Pepito Iglecerio, 46, anak nitong si Rico Mendoza Iglecerio, 19, FO1 Rolando Soriano Labay, 27 na nakatalaga sa Roxas Municipal Fire Station, Sulpicio Fajutag, 28, ng Brgy. Sagana at ang lider ng KFR na si Redentor Bagaporo Paguita, alyas Lawin, 32, ng Brgy. Salcedo, Bunsod, isang negosyante.
Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Benjie Belarmino, hepe ng Regional Operation and Detection Office (RODO), dinukot ng mga suspek si Romeo Bayanay noong Lunes, Hulyo 1, 2002 sa Brgy. Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro.
Si Bayanay, 48 na punong-guro sa Labasan Elementary School sa Bongabong ay pinalaya lamang ng grupo ni Paguita matapos na magbayad ng halagang P1 milyon ransom.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, naganap ang payoff sa Pambisang Munti, Pinamalayan at makaraang palayain ang biktima ay nasundan ng mga awtoridad ang dalawang kidnaper kaya natunton ang pinagkukutaan ng iba pang kasama. (Ulat nina Ed Amoroso/Danilo Garcia)