Ambulansiya hulog sa bangin; Brgy.chairman patay
July 10, 2002 | 12:00am
BAGUIO CITY Isang barangay chairman ang iniulat na nasawi makaraang mahulog sa 30 metrong lalim na bangin ang minamanehong ambulansya habang binabagtas ang kahabaan ng Halsema Highway sa Baguio-Bontoc Road kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Benguet General Hospital sa La Trinidad ang biktimang si Felix B. Tayab, Jr., 65, brgy. chairman ng Brgy. Caponga, Tublay, Benguet.
Sa ulat ni SPO4 Andres Iwagan, naganap ang aksidente dakong alas-9:30 ng gabi kamakalawa habang binabagtas ng biktima ang madulas na highway patungong katimugan. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest