^

Probinsiya

2 suspek sa pagpatay sa 4 katao, timbog

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna - Nagwakas din ang matagal na pagtatago sa batas ng dalawang pangunahing suspek sa pagpatay sa apat katao matapos na madakip ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lalawigan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga nasakoteng killer na sina Jimsey Galiga, alyas Jim ng Brgy. Maliliko, Odiongan, Romblom at Rolando Sadicon, alyas Laloy ng Oriental Mindoro.

Sa ulat ni P/Sr. Supt. Delfin Genio, Jr., Southern Tagalog deputy director for operation, si Galiga na may patong ulo ng halagang P140,000 ay ika-11 most wanted sa Region 4 dahil sa pagkakapatay kina Jose Famero, Jobar Mirales ng Brgy. Maliliko, Romblon at Julito Tayco ng Brgy. Anilao, Lipa City, Batangas noong Agosto 2000.

Samantala, si Sadicon na ika-19 most wanted sa naturang rehiyon na may patong ding halagang P75,000 ay pangunahing suspek sa pagpatay kay Roberto Dela Cruz, isang kilalang amateur boxer sa Brgy. Papandayan, Pinamalayan, Oriental Mindoro noong Disyembre 2000.

Ang pagkakadakip kay Galiga sa Brgy. Rizal, Lipa City, Batangas ay bunsod ng warrant of arrest na ipinalabas ni 4th Judicial Regional Trial Court Judge Francisco Fanlo, Jr, Branch 82.

Nagpalabas naman ng warrant of arrest si Pinamalayan Regional Trial Court Judge Recto Calabocal, Branch 42 na nagresulta sa pagkakadakip ni Sadicon sa Oriental Mindoro. (Ulat nina Ed Amoroso at Danilo Garcia)

BATANGAS

BRGY

DANILO GARCIA

DELFIN GENIO

ED AMOROSO

GALIGA

JIMSEY GALIGA

JOBAR MIRALES

JOSE FAMERO

LIPA CITY

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with