^

Probinsiya

2 killer ng driver, tugis

-
SAN PEDRO, Laguna - Nagsasagawa ngayon ng malawakang manhunt operation ang kapulisan ng Laguna laban sa dalawang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang driver at pagkasugat ng dalawang kasama ng biktima na naganap sa Brgy. San Vicente sa bayang ito noong Hunyo 19 ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dennis L. Macalinga, binata ng Block 8, Lot 1, Phase 11, Pacita II Subd., San Pedro, Laguna, samantala, ang dalawang kasama ay nakilalang sina Ferdinand at Mark Tacuyan, 38, ng naturang lugar.

Ang mga suspek na ngayon ay tinutugis ay nakilalang sina Damaso Carmona at isang alyas Ampid na nahaharap sa kasong murder.

Base sa record ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8 ng umaga sa isang kainan sa nabanggit na barangay.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, biglang lumapit ang mga suspek habang kumakain ang mga biktima at inundayan na lamang ng sunod-sunod na saksak na pinaniniwalaang mga lango sa alak. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

AMPID

AYON

BRGY

DAMASO CARMONA

DENNIS L

ED AMOROSO

FERDINAND

MARK TACUYAN

SAN PEDRO

SAN VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with