^

Probinsiya

Supporter ng kandidato patay sa NPA bago napatay ng pulis

-
PIO V. CORPUZ, Masbate – Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi makaraang pasukin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang bahay ng brgy. captain bago nakipagbarilan sa mga nagrespondeng pulisya sa Brgy. Bunducan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Si Obe Lupak, 36, binata, isang taga-suporta ni Brgy. Captain Rene Luzara ay binaril ng rebelde matapos na tumangging umatras sa kandidatura si Luzara.

Samantala, ang isang rebelde na napatay naman nang nagrespondeng pulisya matapos na makarinig ng putok sa bahay ng brgy. captain ay inaalam pa ang pagkikilanlan.

Nabatid sa ulat ng pulisya, pumasok ang mga rebelde sa bahay ni Luzara dakong alas 8:45 ng gabi upang pagsabihan na umatras na sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan election.

Dahil sa pagtanggi ni Luzara ay binaril ng mga rebelde si Lupak na noo’y nasa bahay niya.

Narinig naman ng mga pulis ang putok kaya kaagad naman nagresponde hanggang sa magkapalitan ng putok saka nagsitakas ang mga rebelde ngunit nakatiyempo naman si Luzara na makalundag ng bintana kaya nakaligtas sa tiyak na kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BRGY

BUNDUCAN

CAPTAIN RENE LUZARA

DAHIL

DALAWA

ED CASULLA

LUZARA

NEW PEOPLE

SANGGUNIANG KABATAAN

SI OBE LUPAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with