^

Probinsiya

Trader hinoldap bago pinatay

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Tatlo katao kabilang na ang isang 68-anyos na lola ang iniulat na namatay sa magkahiwalay na road mishap sa lalawigan ng Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Lean Estipona, 19 ng Cristine Village, Brgy. Biga, Tanza, Cavite, ang kasama nitong alyas Juliet at Arceli Dimaculangan ng Camella Homes, Brgy. Panapaan, Bacoor, Cavite.

Sa isinumiteng ulat kay P/ Sr. Supt. Samuel Pagdilao, Cavite PNP provincial director, si Dimaculangan ay nasalpok dakong alas-5 ng madaling-araw ng pampasaherong dyip (NVV-571) na minamaneho ni Diosdado Ramirez ng Brgy. Karsadang Bago, Imus, Cavite habang tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway.

Nabatid pasa ulat na ang dalawang babae ay nasawi makaraang sumalpok ang sinasakyang kotse (CVE-368) sa poste ng Meralco.

Ayon pa sa ulat, hindi inalintana na madulas ang kalsada sa kahabaan ng Brgy. Biga, Tanza nang mawalan ng kontrol ang driver na si Ronilo Chalan ay sumalpok ito sa poste bandang alas-9:30 ng umaga. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

ARCELI DIMACULANGAN

BRGY

CAMELLA HOMES

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

CRISTINE VILLAGE

DIOSDADO RAMIREZ

EMILIO AGUINALDO HIGHWAY

KARSADANG BAGO

LEAN ESTIPONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with