Libong residente sa Olongapo inilikas na
July 8, 2002 | 12:00am
Tinatayang aabot na sa 1,000 katao at may labingwalong pamilya ang inilikas na mula sa ibat ibang bayan sa Olongapo City dahil sa patuloy na buhos ng malakas na ulan simula pa kamakalawa hanggang sa sinusulat ang balitang ito.
Base sa ulat, apektado ang mga bayan ng Iba, San Marcelino, San Felipe, Sta. Cruz, Dinalupihan, Morong, Layac at Castillejos.
Ang labingwalong pamilyang mula sa bayan ng Sta. Rita ay inilikas na sa Olongapo City National High School dahil sa patuloy na lumalalim ang tubig-baha.
Kasalukuyan naman naka-alerto ang mga awtoridad sa nakaambang pagdaloy ng tone-toneladang lahar mula sa Mt. Pinatubo.
Kasunod nito, apektado rin ng tubig-baha ang sampung barangays sa Meycauayan, Bulacan ngunit hindi naman naapektuhan ang kahabaan ng MacArthur Highway, ayon sa pahayag ni Norma Luarco ng Bulacan provincial disaster coordinating council.
Ang mga bayang apektado rin ay ang Hagonoy, Paombong, Malolos, Calumpit, Marilao, Bocaue, Guiguinto, Plaridel, Pulilan ngunit walang iniulat na nasawi.
May posibilidad ding lumubog ang ilang bahagi ng Bulacan kapag dumaloy ang tubig-baha mula sa Pampanga at Nueva Ecija dulot ng patuloy na pagbuhos ng ulan.
Nagpalabas na ng malaking halagang pondo si Bulacan Gov. Josie Dela Cruz upang gamitin sa mga naapektuhang pamilya. (Ulat nina Jeff Tombado/Efren Alcantara))

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest