Kinilala ang mga biktima na sina Leonida Gensita alyas Kame, residente ng Calamansi, Sultan Kudarat; isang alyas Mauro, Ruel at isang di pa natukoy ang pagkakakilanlan; pawang Lanao del Norte.
Batay sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Deputy Director General Hermogenes Ebdane, ang kalansay ng mga biktima ay nahukay dakong alas-5:15 ng hapon sa liblib na lugar ng Brgy. Malabaugan, sa bayan ng Magysaysay.
Isang rebel returnee na di binanggit ang pagkakakilanlan para na rin sa seguridad nito at ng kaniyang pamilya ang nagturo sa mass grave ng nasabing mga DPAs. (Ulat ni Joy Cantos)