Police car pinasabog ng NPA
July 5, 2002 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Pinasabog ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang patrol car ng 305th Bulacan PNP Provincial Mobile Group, samantala, dinisarmahan naman ang nagbabantay na pulis habang nakaparada ang sasakyan sa fishport ng Brgy. Panasahan, Malolos, Bulacan kamakalawa ng umaga.
Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director, naganap ang pagpapasabog sa pamamagitan ng granada dakong alas-10 ng umaga.
Hindi na nakuha pang makapalag ni SPO1 Isagani Ocampo matapos na tutukan ng baril ng mga rebelde saka kinuha ang kanyang service firearm.
Ayon pa sa ulat na kasalukuyang nagbabantay ang mga kasamahan ni Ocampo sa posibleng daanan ng mga rebelde dahil sa nagaganap na engkuwento sa pagitan ng militar sa dalampasigan ng Paombong, Bulacan nang biglang dumating ang ilang rebelde at isinagawa ang pananabotahe. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest