^

Probinsiya

8 preso pumuga

-
TACLOBAN CITY – Walong preso na may mga nakabinbing mabibigat na kaso ang napaulat na pumuga sa Allen Sub-Provincial Jail makaraang agawan ng baril ang isang guwardiya saka tinutukan kahapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa PNP regional office, kinilala ang mga nakapugang preso na sina Gilbert Jackson, Jerry Halayhay, Salvador Manuel, Ricardo Ombrag, Joel Pajarito, Warlito Pajarito, Arturo Salino at Allan Tamoyan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na naganap ang pagpuga dakong alas-2 ng hapon matapos na aktong tatawagin ng dalawang guwardiyang sina Godofredo Gumarao at Noble Calague ang isang preso upang kumuha ng tubig.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naagaw ni Warlito Pajarito ang baril ni Calague saka tinutukan at nagbanta na papatayin ang kasamang guwardiya kapag kumilos si Gumarao ng masama kaya naisagawa ang pagpuga.

Kinumpirma naman ni SPO4 Francisco Suan ng Allen PNP na siyang team leader na tumutugis sa mga pumuga na sina Warlito Pajarito, Jackson, Salino at Tamoyan ay pawang miyembro ng robbery hold-up gang na bumibiktima ng mga pampasaherong sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Samar Island.

Gayunman, isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang dalawang guwardiya na pinaniniwalaang kinasabwat sa jailbreak. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

ALLAN TAMOYAN

ALLEN SUB-PROVINCIAL JAIL

ARTURO SALINO

FRANCISCO SUAN

GILBERT JACKSON

GODOFREDO GUMARAO

JERRY HALAYHAY

JOEL PAJARITO

MAHARLIKA HIGHWAY

WARLITO PAJARITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with