Sa pahayag ni Dr. Fidel Peñamante, hepe ng City Integrated Health Services (CIHS) na ang mga biktimang binawian ng buhay ay kaagad na inilibing ng kanilang mga magulang sa takot na makahawa pa ng ibang paslit at kasalukuyang inaalam ang mga pangalan.
Kinilala naman ang 11 biktimang nasa General Santos District Hospital na sina Daisy Cola, Jon Rey Dasan, Marilyn Danogan, mag-utol Donie at Jonie Fullan; Genita Tet, Jernel Limbo, Wilson Batna, Meraly at Malita Taya at Jimuel Kilam.
Ayon sa mga health workers, ang mga dinapuan ng tigdas ay may edad na lima hanggang siyam na taong gulang na pawang residente ng Purok Bagong Silang at Datal Salvan malapit sa bayan ng Tboli, South Cotabato.
Kaagad naman nagpadala ng mga gamot na nagkakahalaga ng P.1 milyon ang regional health office ng Southern Mindanao sa mga naapektuhang lugar upang mabakunahan ang mga batang hindi pa nahahawahan ng sakit na tigdas. (Ulat ni Boyet Jubelag)