Dalawampung saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Vidal Nepomuceno, 67, may asawa, dating hukom sa Iriga City Regional Trial Court (RTC) at residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, ang mga mandurugas na pinalalagay na kakilala ng biktima ay nagsitakas matapos na limasin ang mga mahahalagang bagay ng matanda.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng dalawang lalaki na dinampot ng pulisya upang isailalim sa masusing pagsisiyasat na pinaniniwalaang may kaugnayan sa krimen.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima na duguang nakahandusay sa ibabang bahagi ng kanilang bahay bandang alas-11 ng gabi.
May teorya ang pulisya na tiyempuhang nag-iisa ang biktima dahil sa may dinaluhang party ang asawa nito. (Ulat ni Ed Casulla)