Sinabi ni Corazon Perez, punong-guro ng nabanggit na paaralan na apektado ang may 730 mag-aaral na kasalukuyang naka-enroll.
Base sa inisyal na ulat, nagsimulang kumalat ang apoy mula sa isang silid-aralan bandang alas-6 ng umaga hanggang sa tupukin ang iba pang kuwarto.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog dahil na rin sa mabilis na responde ng mga pitong pamatay-sunog mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), San Marcelino, San Antonio, San Felipe, SBMA Subic Shipyard, Castillejos at iba. (Ulat ni Erickson Lovino)