^

Probinsiya

17 silid aralan nasunog

-
CASTILLEJOS, Zambales – Tinatayang aabot sa halagang P10 milyon ari-arian ang tinupok ng apoy matapos na masunog ang may labimpitong silid-aralan ng Castillejos Central Elementary School sa Brgy. San Juan sa bayang ito kahapon ng umaga.

Sinabi ni Corazon Perez, punong-guro ng nabanggit na paaralan na apektado ang may 730 mag-aaral na kasalukuyang naka-enroll.

Base sa inisyal na ulat, nagsimulang kumalat ang apoy mula sa isang silid-aralan bandang alas-6 ng umaga hanggang sa tupukin ang iba pang kuwarto.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog dahil na rin sa mabilis na responde ng mga pitong pamatay-sunog mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), San Marcelino, San Antonio, San Felipe, SBMA Subic Shipyard, Castillejos at iba. (Ulat ni Erickson Lovino)

BRGY

CASTILLEJOS

CASTILLEJOS CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

CORAZON PEREZ

ERICKSON LOVINO

SAN ANTONIO

SAN FELIPE

SAN JUAN

SAN MARCELINO

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

SUBIC SHIPYARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with