^

Probinsiya

7 chief of police nakatakdang sibakin sa puwesto

-
BACOLOD CITY – Pitong hepe ng pulisya sa Negros Occidental ang nakaambang masibak sa kanilang puwesto kapag hindi naipatigil ang illegal gambling sa kanilang nasasakupang lugar sa loob ng isang buwan.

Binalaan noong Biyernes ni P/Sr. Supt. Gerry Barias, PNP provincial director, ang mga chief of police ng Binalbagan, Toboso, Moises Padilla, Candoni, La Castellana, Salvador Benedicto at Sipalay City.

Gayunman, dalawampu’t-apat na chief of police sa Negros Occidental, hindi kabilang ang Bacolod City ay nagsagawa na ng 81 anti-gambling operations na nagresutla sa pagkakadakip ng 151 katao at pagkakakumpiska ng halagang P41,786 na pinaniniwalang mula sa tumatayang sugarol.

Base sa police record, pinakamataas na bilang nang isinagawang anti-gambling operations at hindi mabatid na bilang ng naarestong sugarol ay ang lungsod ng San Carlos, Bago, Kabankalan at Silay.

Lumalabas sa ulat ng pulisya na ang gambling financiers ay kumokolekta ng halagang P24 milyon kada araw mula sa 41,943 barangays sa buong bansa. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)

ANTONIETA B

BACOLOD CITY

GERRY BARIAS

LA CASTELLANA

MOISES PADILLA

NEGROS OCCIDENTAL

SALVADOR BENEDICTO

SAN CARLOS

SIPALAY CITY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with