^

Probinsiya

12-anyos napagtripan ng adik, todas

-
BACOOR, Cavite – Isang 12-anyos na batang lalaki ang napagtripan pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng isang hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga, samantalang malubhang nasugatan naman ang kanyang pinsang babae na nagtangkang umawat sa naganap na krimen sa Brgy. Malipay sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Pitong saksak ng patalim sa katawan ang tumama sa biktimang si Mark Ellin ng Phase 2 ng nabanggit na barangay, samantala, ang pinsang si Gamaliel Garbida Bahain, dalaga, ay ginagamot sa Putatan Muntinlupa City Hospital dahil sa tinamong saksak ng patalim dahil sa pakikipagbuno sa hindi nakalalang killer.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Rodolfo Arboleda, naganap ang krimen dakong alas 2:30 ng hapon matapos na pasukin ng killer na nakasuot ng itim na bonnet ang bahay ng biktima sa hindi maipaliwanag na dahilan.

May palagay ang pulisya na bukod sa pagkalango sa droga ng killer ay may ibang motibo sa naganap na krimen na kasalukuyang inaalam ng mga imbestigador. (Ulat nina Lanie M. Sapitanan at Cristina Timbang)

BRGY

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

GAMALIEL GARBIDA BAHAIN

ISANG

LANIE M

MALIPAY

MARK ELLIN

PUTATAN MUNTINLUPA CITY HOSPITAL

RODOLFO ARBOLEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with