^

Probinsiya

4 holdaper natiklo

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Apat sa limang kalalakihang holdaper na bumibiktima ng mga pampasaherong sasakyan sa bayang ito ang nasakote ng pulisya sa isinagawang biglaang pagsalakay sa kanilang safehouse sa Brgy. Kaingin, Malolos, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Johnny Dava, 27; Sonieto Pellego, 32; Joel Cruz, 35 at Gerardo Lim, 52 na pawang residente sa iba’t ibang barangay.

Kasalukuyan pang tinutugis ng pulisya ang kasamahan ng apat na holdaper na si Gerardo Cabigao na lider ng grupo.

Ayon kay P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director, positibong kinilala ng isang negosyanteng babae ang mga suspek na nagdeklara ng holdap sa sinasakyan nitong pampasaherong bus.

Dahil sa dumagsa ang mga reklamo sa mga himpilan ng pulisya ay nagsagawa ng masusing pagtitiktik ang mga tauhan ni Acuña kaya madaling natunton ang pinagkukutaan ng mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang halagang P180,000, US$500, walong bank book. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BULACAN

EDGAR ACU

EFREN ALCANTARA

GERARDO CABIGAO

GERARDO LIM

JOEL CRUZ

JOHNNY DAVA

SONIETO PELLEGO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with