Lolang nagbunyag ng illegal terminal sa Lawton, sinalvage
June 25, 2002 | 12:00am
BACOOR, Cavite Pinaniniwalaang pagbubunyag ng illegal terminal sa Liwasang Bonifacio (Lawton) ang naging dahilan upang itumba ang isang 42-anyos na babae ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nakatayo sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway na sakop ng Brgy. Panapaan 7 sa bayang ito noong Sabado ng gabi.
Idineklarang patay sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Lilian Villena Lemery, may asawa at residente ng Marinao Compound, Justinville Subdivision ng nabanggit na barangay.
Ayon kay P/Supt. Elmer Jamias, hepe ng Traffic Enforcement Division ng Western Police District (TED-WPD), si Lemery ay dating kasapi ng Lawton, Imus Drivers and Operators Association hanggang sa ibunyag nito ang nasa likod na anomalya na hinahawakan ng isang dating opisyal ng Manila Traffic Parking Bureau.
Ayon kay Jamias, kumikita ang illegal terminal mula sa mga colorum na jeepney ng halagang P10, 000 kada araw at noong ibunyag ng biktima ang anomalya ay nabuwag naman kaya pinalalagay siyang pinatahimik ng sindikato.
Hiniling naman ni Jamias sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na masusing siyasatin ang pagkakapatay sa biktima dahil sa kinasasangkutan ito ng dating opisyal ng nabanggit na ahensya sa Manila City Hall.
Napag-alaman kay PO1 Ernesto Caparas, tinambangan ang biktima bandang als-10:20 ng gabi ng tatlong hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang bayarang mamamatay-tao na sakay ng owner-type jeep na walang plaka. (Ulat nina Andi Garcia at Lnie Mate-Sapitanan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended