^

Probinsiya

Anak ng CDO, pinatakas ng bagitong kidnaper

-
Tinulungan ng isang bumaligtad na kidnaper ang dinukot na Filipino-Chinese dermatologist na anak ng may-ari ng CDO Food Products para ito’y makatakas.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Police Regional Office (PRO) 3 Director Chief Supt. Reynaldo Berroya kasabay nang pagtiyak na walang binayad na anumang ransom ang pamilya ng dinukot na si Dra. Charmaine Ong.

Base sa ulat, sadyang tinulungan ng isa niyang bantay na itinago sa alyas na Jimmy si Charmaine para makatakas sa kamay ng grupo ng mga professional kidnapper na dumukot dito.

Si Jimmy na siya ring kasama ni Ong hanggang sa makarating sa Our Lady of Sorrows Parish Church sa San Fernando, Pampanga ay nasa kustodya na ng pulisya. Sa naturang simbahan din sinundo si Charmaine ng kanyang mga magulang.

Sa inisyal na ulat, si Jimmy kasama ang isa pang kidnaper ang naatasang magbantay sa biktima na dinala sa inupahang safehouse sa No. 29 California St., Villa del Sol Village, Angeles City.

Dakong alas- 7 ng umaga nang kumuha ng tubig ang bantay na kasama ni Jimmy at dito na ito nakakuha ng pagkakataon para alisan ng posas si Ong.

Nang dumating ang kasamang bantay ay pinagtulungan nila (Jimmy at Ong) itong maiposas at saka sila halos sabay na tumakas.

Palagay ng pulisya na maaaring bago sa grupo si Jimmy. Maaaring malambot o sadyang natakot kaya tinulungang makatakas ang kanilang bihag.

Kaugnay pa rin nito, narekober din ng pulisya ang ginamit na sasakyan sa pagdukot kay Ong na pulang Nissan Sentra (TPE-218) na kinarnap noon pang Oktubre 10, 1996 at may orihinal na plaka na TRD 469.

Dahil dito, patuloy ang isinasagawang operasyon laban sa iba pang suspects na kilala na rin ng mga awtoridad.

Magugunitang si Ong, anak ni Ateneo Biology professor Jose Ong at Corazon Dayco-Ong na dito isinunod ang pangalang CDO, ay dinukot ng limang armadong kalalakihan sa Valenzuela City kamakailan.

May ulat na P50 milyong ransom ang hinihingi ng mga kidnapper sa pamilya Ong kapalit ng kalayaan nito, bago pa tulungang makatakas ng isa niyang bantay. (Ulat nina Jo Lising-Abelgas at Joy Cantos)

ANGELES CITY

ATENEO BIOLOGY

CALIFORNIA ST.

CHARMAINE

CHARMAINE ONG

CORAZON DAYCO-ONG

DIRECTOR CHIEF SUPT

FOOD PRODUCTS

JO LISING-ABELGAS

ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with