Parak todas sa holdaper
June 16, 2002 | 12:00am
BOCAUE, Bulacan Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kagawad ng pulisya ng mga holdaper habang ang biktima ay nakasakay sa pampasaherong bus at bumabagtas sa kahabaan ng McArthur Highway sa bayang ito kamakalawa.
Binawian ng buhay sa pinagdalhang ospital ang biktimang si PO1 Noel Fontanillas Labrador, 29 na nakatalaga sa District Drug Enforcement Group, Northern Police District at residente ng Brgy. Lawa, Meycauayan, Bulacan.
Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, Bulacan PNP provincial director, kasalukuyang sakay ng bus (TWD-228) na minamaneho ni Romeo Vito ang biktima papauwi ng magdeklara ng holdap ang mga hindi kilalang armadong kalalakihan.
Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, akmang bubunutin ng biktima ang baril sa baywang upang makipagbarilan ngunit naunahang putukan ng mga holdaper.
Matapos limasin ng mga mandurugas ang mga alahas at pera ng mga pasahero kabilang na ang baril ng biktima ay nagsibabaan na sa bayan ng Bocaue. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest