2 life sa amang rapist
June 15, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Dalawang habambuhay na pagkabilanggo para sa 2 kaso ng rape ang iginawad na parusa ng korte sa isang ama na napatunayang nagkasala ng maraming ulit na panghahalay sa kanyang sariling anak na babae sa 2 magkakahiwalay na lugar sa Bulacan at Pangasinan, may dalawa at kalahating taon na ngayon ang nakararaan.
Batay sa 9 na pahina na desisyon ni Acting Judge Rogelio C. Gonzales, ng RTC-Branch 21, Malolos, Bulacan, ang akusadong si Apolinario Valencia, may sapat na gulang, hiwalay sa asawa at residente ng Brgy. Banaban First, Angat ng lalawigang nabanggit ay napatunayang nagkasala ng maraming ulit na panggagahasa sa kanyang sariling anak na itinago sa pangalang Mary Jane, 22 anyos, dalaga ng nasabing bayan.
Nabatid sa salaysay ng biktima na noong gabi ng Oktubre 4, 1999, kung saan siya ay umuwi ng kanilang lugar upang makisaya sa araw ng kapistahan ay sa bahay ng kanyang lola na ina ng kanyang ama pinalipas niya ang magdamag subalit hindi niya akalain na dito magaganap ang kawalanghiyaan ng kanyang ama, nang gapangin siya nito at halayin, hanggang sa masundan itong muli ng maraming beses nang sapilitan naman siyang dalhin ng kanyang ama sa bahay ng isang Avelino Tedio sa Bayambang, Pangasinan at doon ay ipinakilalang asawa ng kanyang ama, at halos walang pinalagpas na gabi ang kanyang ama na hindi siya pinagsasamantalahan simula Disyembre 12 hanggang 27, 1999.
Bukod sa 2 habambuhay na pagkabilanggo, pinagbabayad din ng Korte ang akusado ng halagang P200,000 para sa mga pinsala at gastos habang dinidinig ang dalawang kaso. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest