^

Probinsiya

Nagkapikunan sa kuwentuhan, mister tinodas

-
KAWIT, Cavite – Hinataw ng kawayan at napatay ang isang mister ng kanyang kapitbahay na lalaki matapos na magkapikunan sa pinagtatalunang kuwentuhan sa Brgy. Pulborista sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Crisostomo General Hospital ay nakilalang si Ricardo Realica, may sapat na gulang, may asawa.

Samantala, ang suspek na kaagad namang nadakip ng pulisya sa isinagawang follow-up operation ay kinilalang si Antonio Icasa, 31, may asawa at kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ni SPO3 Ramon Legaspi na isinumite kay Cavite Provincial PNP Director P/Sr. Supt. Samuel Pagdilao, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dakong alas-2 ng hapon sa labas ng kanilang bahay.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, humantong sa mainitang pagtatalo ang kuwentuhan ng dalawa hanggang sa mapikon ang suspek kaya nagawa nitong hatawin ng kawayan sa ulo ang biktima na ikinasawi naman nito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ANTONIO ICASA

BRGY

CAVITE PROVINCIAL

CRISOSTOMO GENERAL HOSPITAL

CRISTINA GO-TIMBANG

DIRECTOR P

RAMON LEGASPI

RICARDO REALICA

SAMUEL PAGDILAO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with