^

Probinsiya

Dating bodyguard ng mayor tinodas, matapos mamaril

-
NAIC, Cavite – Ang sariling baril ang pumatay sa isang dating bodyguard ng mayor ng bayang ito nang maagaw sa kanya ng tatlong waiter matapos na barilin ang may-ari ng karaoke bar kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ibayo Silangan.

Nasawi noon din si Joselito Lam Rodriguez, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Pulong Ipot, Brgy. Ibayo na umano ay dating bodyguard ni Mayor Efren Nazareno dahil sa tama ng bala sa ulo.

Samantala, pinaghahanap ng pulisya ang tatlong waiter na nakilalang sina Rod Ocampo, Elmer Morado at isang alyas Randy.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marcelo Bersamina, dakong alas-10:15 ng gabi ay lasing umanong pumasok si Rodriguez sa Paradise 2000 Videoke bar at hinahanap ang may-ari na nakilalang si Cristina Camantigue, 42.

Nang lumabas si Camantigue ay agad na ito’y binaril ni Rodriguez na tinamaan sa kanang braso.

Matapos na mabaril si Camantigue ay agad na sinugod ng mga waiters si Rodriguez at pinagtulungang agawin ang baril nito.

Matapos na maagaw ay binaril nila si Rodriguez na tinamaan sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Si Camantigue ay isinugod sa Naic Doctors Hospital habang mabilis na tumakas ang tatlong waiter. (Ulat nina Mading Sarmiento/Cristina Go-Timbang)

BRGY

CAMANTIGUE

CRISTINA CAMANTIGUE

CRISTINA GO-TIMBANG

ELMER MORADO

IBAYO SILANGAN

JOSELITO LAM RODRIGUEZ

MADING SARMIENTO

MARCELO BERSAMINA

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with