Palengke tinupok ng apoy

GEN. LUNA, Quezon – Tinatayang aabot sa P 20 milyong halaga ng mga kagamitan ang natupok matapos masunog ang pamilihang bayan ng may anim na oras kahapon.

Nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang masunog ang gitnang bahagi ng palengke na mabilis na kumalat sa buong paligid at nadamay ang mga katabing bahay.

Nagtulong-tulong ang mga pamatay sunog mula sa mga kalapit na bayan na naapula dakong alas-10:30 ng umaga.

Masusing sinisiyasat ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog. (Ulat ni Celine Tutor)

Show comments