Palengke tinupok ng apoy
June 6, 2002 | 12:00am
GEN. LUNA, Quezon Tinatayang aabot sa P 20 milyong halaga ng mga kagamitan ang natupok matapos masunog ang pamilihang bayan ng may anim na oras kahapon.
Nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw nang masunog ang gitnang bahagi ng palengke na mabilis na kumalat sa buong paligid at nadamay ang mga katabing bahay.
Nagtulong-tulong ang mga pamatay sunog mula sa mga kalapit na bayan na naapula dakong alas-10:30 ng umaga.
Masusing sinisiyasat ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog. (Ulat ni Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest