Pulis na karnaper nasakote ng NBI
June 6, 2002 | 12:00am
BATANGAS CITY Nalambat ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ng Region 4 ang isang pulis habang minamaneho ang isang nakaw na kotse kamakalawa.
Batay sa ulat mula sa tanggapan ni NBI Region 4 Director Atty. Edward Villarta, dakong alas-10 ng umaga nang masakote nila sa aktong minamaneho ng suspek na si SPO1 Renato Bergado, 43, miyembro ng Magallanes, Cavite PNP at residente ng Brgy. 5, Poblacion, Magallanes ang isang Honda CRV (WHV-159).
Ang pagkakaaresto sa suspek ay nang ituro mismo ng may-ari ng kotse na si Mila Estrella ang kanyang sasakyan na sapilitang kinuha ng di pa nakikilalang kalalakihan kamakailan.
Kinumpirma naman ng PNP-Traffic Management Group (TMG) sa NBI na carnap ang nasabing sasakyan dahil sa nagpalabas na sila ng alarma tungkol dito matapos na ito ay ireport ng biktima sa kanilang tanggapan.
Ayon naman sa NBI, isang linggong surveillance ang kanilang ginawa bago inaresto ang suspek matapos na itoy positibong kinilala ng may-ari.
Sinabi naman ng suspek na ang sasakyan ay sa kanya lamang inihabilin ng isang Elpidio Misoles Jr. na una ng sumuko sa NBI na nagsabi na ang sasakyan ay kanya lamang napulot sa isang talahibang bahagi ng Brgy. Paliparan, Dasmariñas, Cavite.
Hindi naman pinaniwalaan ng NBI ang palusot ng dalawa na sinampahan na ng kasong carnapping sa Cavite. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended