^

Probinsiya

2 desperado, nag-suicide

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Dalawang lalaki na pinaniniwalaang desperado na sa kanilang buhay ang nagpasyang mag-suicide sa magkahiwalay na bayan sa Cavite kahapon ng madaling-araw.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Efren Carlos, 17, binata ng Mabuhay City Subd. sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas at Rossfer Canlas, 25, binata at residente ang 1008 Malagasang, Imus, Cavite.

Sa ulat ni PO3 Edgar Belza ng Dasmariñas PNP station, si Carlos ay nagbigti dakong alas-12:10 ng madaling-araw sa palikuran sa kanilang bahay.

Narekober naman ang isang suicide note ni Carlos na naka-address sa kanyang magulang at kapatid.

Kasunod nito, si Canlas naman ay nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa sariling bahay sa Brgy. Malagasang, Imus, Cavite.

Ayon kay PO1 Edgardo Nario, naganap ang pagpapakamatay ni Canlas dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Dahil sa malakas na putok ng baril ay tinungo ng kapitbahay na si Willy Paras ang bahay ng biktima at nakita niyang nakabulagta na lamang si Canlas.

Isang suicide note naman ang narekober ng pulisya sa bulsa ng biktima kasabay na nakuha ang ginamit na baril sa pagpapakamatay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CANLAS

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DASMARI

EDGAR BELZA

EDGARDO NARIO

EFREN CARLOS

MABUHAY CITY SUBD

MALAGASANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with