^

Probinsiya

3 suspek sa Cabuyao masaker timbog

-
Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa Cabuyao masaker ang bumagsak sa kamay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang dragnet operation sa Cabuyao, Laguna kamakalawa.

Pormal na sinampahan ng kasong murder ang mga suspek na sina Jose "Jun" Bascon III ng Roseville Subd., Sta. Rosa, Laguna; Mario Caparas ng Tamis Compd., Banlik, Cabuyao at Eduardo Cayaban ng Anahaw Homes, Dita, Sta. Rosa, Laguna.

Sa ulat ng NBI, ang mga suspek ay responsable sa pagpatay kina Mauro Amarante, Corazon Aguilar, Luisito Aguilar at Alicia Amarante ng Brgy. Marinig, Cabuyao, Laguna noong Mayo, 21, 2002.

Minasaker ng mga suspek ang apat dahil sa hindi nagbigay ng napagkasunduang halagang P.3 milyon bilang kabayaran sa kanilang ginawang pagpatay sa naging kaalitan ng mga biktima. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ALICIA AMARANTE

ANAHAW HOMES

CABUYAO

CORAZON AGUILAR

EDUARDO CAYABAN

ELLEN FERNANDO

LUISITO AGUILAR

MARIO CAPARAS

MAURO AMARANTE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROSEVILLE SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with