Kotse vs truck; 4 todas, 1 grabe

Apat na katao kabilang ang isang mag-asawa ang nasawi habang nasa kritikal na kalagayan ang isa pa matapos na bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang 10-wheeler truck sa McArthur Highway, Brgy. Prado Siongco, Lubao Pampanga, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Noel Santos, 32, asawa nitong si Omega, 30; Mark Richard Santos at isang Jun Yambao pawang residente ng Villa Rosario, Angeles City.

Nasa kritikal na kalagayan naman si Baseliza Sabordo sa Jose B. Lingad Regional Memorial Hospital sa San Fernando City.

Sa ulat, ang mga biktima ay sakay ng Toyota Corolla (UTG-611) na minamaneho ni Noel patungong San Fernando City nang aksidenteng mabangga ito ng truck na minamaneho ni Alex Barong ng Ermita,Manila matapos na ito ay mag-overtake sa isang sasakyan sa nasabing highway.

Ang mga biktima ay nasawi noon din dahil sa mga sugat na tinamo sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.(Ric Sapnu)

Show comments