Lalaki nabundol na ng tricycle, nabundol pa ng truck, patay
May 26, 2002 | 12:00am
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Dobleng kamatayan ang inabot ng isang 25 -anyos na lalaki matapos na una itong nabundol ng tricycle at pagkatapos ay nabundol pa ng isang 10 wheeler truck sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Abar 1st, kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay nakilalang si Juancho delos Santos, may-asawa ng Brgy. Kulong, Guimba ng nasabing lalawigan.
Samantala, kapwa nagsisuko sa pulisya ang dalawang suspek na sina Eric Alawang, 28, tricycle driver, ng Abar 1st. at Gamino Padilla, 29, truck driver ng 186 Turo, Bocaue, Bulacan.
Sa imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi habang nagmamaneho ang biktima ng kanyang Yamaha scooter (PS-3443) patungo sa direksyong timog nang ito ay mabundol ng tricycle.
Nawalan ng kontrol ang scooter at sumadsad sa kabilang linya ng kalsada na siya namang pagdating ng truck ni Padilla at nasagasaan din ito.
Sa lakas ng pagkabundol ng dalawang sasakyan sa biktima ay agad itong nasawi sa lugar ng pinangyarihan.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest