Sa report ng Angat Municipal Station, isang Roberto Santiago ang nakatagpo sa mga nasabing bomba dakong alas-10:30 ng umaga.
Ayon kay Santiago, contractor ng Globe cell site habang sila ay naghuhukay sa bisinidad ng Sitio Sabang, Brgy. San Roque ay tumambad sa kanila ang nasabing mga eksplosibo.
Agad nilang itong inireport sa mga awtoridad na agad namang nagresponde ang mga Explosive Ordnance Division na siyang nagpatuloy sa paghuhukay.
Sa isinagawang pagsusuri ay nadiskubreng mga bomba na naibaon noong panahon ng sakupin ng Hapon ang Pilipinas.
Bagamat nilulumot na ay may kapasidad pa itong lumikha ng malaking pinsala sa tao at maging sa mga ari-arian.
Nasa kustodya ng Regional Explosive Ordnance Division ang mga nahukay na bomba. (Joy Cantos)