Bitay sa nang-rape, nakabuntis ng may 'sayad'
May 26, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Hinatulan nang korte ng parusang kamatayan ang isang lalaki na napatunayang nanghalay at nakabuntis ng isang mentally retarded apat na taon na ang nakakaraan.
Sa 25 pahinang desisyon ni Judge Roy A. Masado Jr., ng Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 21, hinatulan ng parusang kamatayan si Henry Andaya.
Samantala, ang dalawa pang akusado na nakilalang sina Andrew Arcilla at Emil Arcega kapwa residente ng S. de Vera St., Brgy. Pandayan, Malolos, Bulacan ay patuloy pang nakakalaya.
Sa rekord ng korte, hinalay nina Andaya ang biktima na itinago sa pangalang Marietta, 19 noong kalagitnaan ng Disyembre 1997 hanggang Marso 1998.
Natuklasan lamang ang panghahalay sa biktima ng mapansin ng ina ang paglaki ng dibdib at tiyan nito, kasabay ng pagtigil ng buwanang dalaw.
Nang ipasuri ng ina ang biktima sa doktor lumitaw na ito ay nagdadalang tao.
Sa kasalukuyan ay naisilang na ni Marietta ang kanyang ipinagbubuntis na isang sanggol na lalaki na hindi naman malaman kung sino sa tatlong akusado ang ama.
Pinagbabayad din ng korte ang akusado ng halagang P275,000 bilang danyos sa pinsalang ginawa nito sa biktima. (Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest