Nene hinalay ng sikyu
May 21, 2002 | 12:00am
LUCENA CITY Maagang napariwa ang kinabukasan ng isang 8 anyos na batang babae matapos na ito ay pagsamantalahan ng isang security guard sa loob ng warehouse na binabantayan ng suspek sa Brgy. Ibabang Dupay sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na ngayoy nasa pangangalaga ng DSWD ay itinago sa pangalang Aileen, na residente ng naturang lugar, samantalang ang suspek na ngayon ay nakakulong sa City Jail ay nakilalang si Arnulfo Garate, 27, may asawa, residente ng Purok Sta. Mesa, Brgy. Dalahican at empleyado ng Titan Security Agency.
Ayon sa salaysay ng biktima sa Womens Desk Section na dakong alas-2:00 ng hapon ay naglalaro siya sa labas ng warehouse na binabantayan ng suspek at pagkaraan ay tinawag at umanoy bibigyan ng kendi.
Palibhasa hindi kilala ay di lumapit ang biktima subalit ang suspek na mismo ang nagtungo sa kinaroroonan ng bata at tinutukan ito ng baril at pakaladkad na dinala sa loob ng warehouse at doon pinagsamantalahan ang biktima.
Nang makatakbo ang bata ay mabilis itong nagsumbong sa kanyang lola at isinumbong ang ginawang panghahalay sa kanya ng suspek na nagresulta ng pagkakadakip nito. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended