5 kidnaper ng Koreano patay sa encounter

GENERAL SANTOS CITY Napatay sa isang engkuwentro kahapon ang limang kidnapper na umano’y kumidnap sa isang negosyanteng Koreano, tatlong buwan na ang nakalilipas.

Samantala, ang iba pang kasamahan ng mga napatay na kidnapper ay nag-atrasan nang hindi makayanan ang puwersa ng militar nang magsagupa sa bulubundukin ng Maitum.

Ayon kay Army area commander Alexander Yano na humigit kumulang na 35 miyembro ng MILF lost command na pinamumunuan ng isang Commander Combat ang nakasagupa ng pamahalaan.

Hindi nakita ng mga militar ang kidnap victim na si Jae Kwon Yoon na maaaring tinangay ng mga nagsitakas na kidnapper.

Si Yoon kasama ang kaibigang negosyante na si Oscar Belonio ay kinidnap noong Pebrero 5.

Si Belonio ay pinakawalan noong Marso 29 sa isang gubat ng kanyang mga kidnapper dahil sa patuloy na pagtugis ng militar. (Rose Tamayo)

Show comments