Pulis, gunman sa pagpatay sa radio announcer
May 19, 2002 | 12:00am
PAGADIAN CITY Nasa balag ng alanganin ngayon ang isang miyembro ng pulisya matapos na iturong gunman ng radio announcer DxKP noong Lunes ng gabi sa Pagadian City.
Ito ang bagong anggulong lumutang sa nasabing murder case kaugnay ng patuloy na imbestigasyon upang maresolba ang krimen.
Si PO1 Guillermo Wapille ang positibong kinilala ni Edgardo Amoro, sa isang police line-up ng Pagadian City Police na siyang pumaslang sa biktimang si Edgardo Damalerio, radio announcer ng DxKP.
Sa ulat ni Provincial Police Office 9 Chief Supt. Simeon Dizon Jr., na pansamantalang isinailalim sa pangangalaga ng pulisya ang naturang pulis habang hinihintay ang pagpapalabas ng kaukulang arrest warrant laban dito. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest