4 grinanada: 1 patay, 3 kritikal

BATAC, Ilocos Norte – Isang Japanese-Filipino national ang napaulat na nasawi, samantala, ang tatlo pa nitong kasamahan ay malubhang nasugatan matapos na pasabugin ang granada sa loob ng bahay ng isang tomboy dahil sa matinding selos sa Batac, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon.

Nagkagutay-gutay ang katawan ni Jesusa Kobayashi, 24, samantala, ang mga grabeng nasugatang biktima na ngayon ay nasa Batac Medical Center ay nakilalang sina Geraldine Datucal, Jimmy Tolentino at Luisa Kobayashi, isang taong gulang at anak ni Jesusa at ang suspek ay si Luisa Rebucal, 32, na pinaniniwalaang lover ng nasawing biktima.

Napag-alaman sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pangyayari dakong alas-3:45 ng hapon matapos na magtalo sina Jesusa at Luisa tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Dahil sa hindi matanggap ni Luisa na tapusin na ang kanilang relasyon ni Jesusa ay minabuti nitong tanggalan ng safety pin ang hawak na granada saka binitiwan at sumambulat.

Nagkataon naman na nilalaro ng tatlong kasamahan ni Jesusa ang batang si Luisa kaya tinamaan ng sharpnel. (Joy Cantos)

Show comments