Pangulo ng asosasyon niratrat
May 18, 2002 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Binaril at napatay ang pangulo ng asosasyon ng hindi kilalang lalaking sakay ng motorsiklo habang nagtatrabaho ang bikitma sa irrigation sa Brgy. Bibirao sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Ang biktima na nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Fernando Alberto, may asawa, pangulo ng Pamorangon Irrigators Association (PIA) at residente ng Brgy. Pamorangon-Daet.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, kaagad na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo matapos isagawa ang krimen dakong alas-9:30 ng umaga.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya, may ilang nakasaksi na bago pa dumating sa naturang lugar ang biktima ay nakaparada na ang motorsiklo ng suspek at bumili pa ng inumin sa isang tindahan.
Inaalam naman ng mga imbestigador ang motibo ng krimen kung may kinalaman ang ilang rebel returnee at dating kasapi ng CAFGU base na rin sa nakalap ng impormasyon ng pulisya. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Victor Martin | 22 hours ago
By Omar Padilla | 22 hours ago
Recommended