Gracia Burnham ginawang sex slave ng Sayyaf?
May 16, 2002 | 12:00am
Kumakalat ngayon sa bawat sulok ng Basilan ang balitang dumanas umano ng masaklap na kapalaran ang American hostage na si Gracia Burnham matapos itong gahasain ng mga bandidong Abu Sayyaf group.
Base sa impormasyon, posible umanong ang urinary tract infection (UTI) na kasalukuyang sakit ngayon ni Gracia ay nakuha nito sa pagsasamantala sa kanyang pagkababae ng ilang mga opisyal ng bandidong grupo.
Gayunman sa isang phone interview, sinabi ni Col. Alexander Aleo, Commander ng Armys 103rd Brigade na nakabase sa Basilan na kasalukuyan pa silang nagsasagawa ng masusing beripikasyon sa kumakalat na ulat na ngayon ay naging paksa na usap-usapan ng mga residente ng Basilan.
Bumuwelta naman si Col. Aleo sa pagsasabing ang UTI ay maaari rin umanong makuha sa maruming tubig na iniinom at kawalan ng malinis na sanidad lalo na sa panig ng isang babaeng hostage ng mga bandido.
Ipinaliwanag pa ni Col. Aleo na mahirap na basta na lamang paniwalaan ang ulat dahil tanging si Gracia lamang ang maaaring magkumpirma nito.
Sa kasalukuyan, patuloy umano ang pagbagsak ng kalusugan ni Gracia na lalo pang namayat at nanghihina dahil sa taglay nitong karamdaman.
Samantala, ang asawa nitong si Martin ay lumulubha rin ang kalagayan sa sakit na malaria.
Magugunita na ang mag-asawang Burnham ay kinidnap ng Sayyaf noong nakaraang Mayo 27, 2001 sa Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City, Palawan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Cristina Timbang | 13 hours ago
By Tony Sandoval | 13 hours ago
Recommended