Ang biktima na ngayon ay nasa womens desk section ng Lucena City PNP station ay itinago sa pangalang Jenny, 19, ng naturang lugar, samantala, ang suspek na kasalukuyang nakapiit ay nakilalang si Manuel Jayar Tan, 27, may asawa, jobless ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ng pulisya, pumasok sa bahay ng biktimang natutulog ang suspek na lango sa alak dakong alas-4 ng madaling-araw saka tumabi sa hinihigaan ng babae.
Hindi naman umimik ang biktima sa pag-aakalang mister niya ang tumabi hanggang sa isagawa ng suspek ang maitim na balak.
Walang nagawa ang biktima dahil sa pinagbantaang papatayin kapag pumalag saka tumakas ang suspek matapos ang krimen. (Ulat ni Tony Sandoval/Celine Tutor)