Sinabi ni Francisco Antonio, hepe ng Crop Development Division ng Provincial Aagricultures Office na ang mga bulaklak ng puno ng kape sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Norzagaray at San Miguel ay unti-unting nanunuyo dahil sa matinding init.
Subalit sa pahayag naman ni Cristina Geronimo, information officer ng PAO na kahit na ang mga bulaklak ng kape ay nanunuyo lalo na ang mga nasa stage ng pagbubunga ay makakarekober pa rin kapag nabigyan ng sapat na tubig.
Ayon naman sa mga may-ari ng kapihan sa nabanggit na bayan na imposibleng makarating ang tubig sa pamamagitan ng irrigation system dahil karamihan ng plantasyon ng kape ay matatagpuan sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad, Norzagaray at San Miguel.
Sa kasalukuyan ay aabot sa 246,741 bilang ng puno ng kape ang hindi na mapapakinabangan dahil sa nararanasang matinding init ng panahon. (Efren Alcantara)