Mayor inireklamo ng panggugulpi ng ginang
May 13, 2002 | 12:00am
LAOAG CITY Kasalukuyang nasa balag ng alanganin ang alkalde ng lungsod na ito matapos na ireklamo ng isang city hall employee ng kasong panggugulpi sa loob ng bahay ng una noong Enero 24, 2002.
Sa nilagdaang affidavit ni Marita Lilibeth Aquino, 41, utility worker sa Laoag Citys general services office, inakusahan ng biktima si Mayor Roger Fariñas ng pananakit sa pamamagitan ng pagsakal, pananampal at pag-untog ng ulo sa konkretong pader sa loob ng bahay ng alkalde.
Lumalabas din sa medical certificate na nilagdaan nina Dr. Jesus Tomas at Roland Andres ng Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac na isinumite sa city prosecutors office, si Aquino ay nagkaroon ng "contusion hematoma sa kaliwang labi.
Nag-ugat ang pananakit sa biktima makaraang ibigay ni Aquino ang dokumentong ibinigay sa kanya ng secretary ng kompanya ng bus na pag-aari ng pamilya Fariñas sa kanyang kasamahan sa trabaho na si Liza Lagmay.
Ayon pa kay Aquino, nagalit si Mayor Fariñas dahil sa dokumento na ipinagkatiwala sa kanya na dapat siya ang magdadala sa asawang si Chona ay ibinigay naman kay Lagmay upang ito ang mag-deliver.
Bago pa umalis ng bansa patungong Hawaii si Mayor Fariñas ay pinabulaanan naman niya ang nabanggit na akusasyon sa isang local televison interview. (Teddy Molina)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest