Ang biktima na nakipagtalo pa bago barilin ay nakilalang si Angel Marasigan ng Brgy. San Carlos sa naturang lungsod, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang si Ronald Allan Umali, 38, ng naturang lugar.
Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Antonio Atienza, hepe ng pulisya, lango sa alak ang biktima nang pumasok at kumain sa loob ng nabanggit na restaurant.
Dahil sa pauit-ulit na pagdahak at pagdura sa loob mismo ng kainan ay madisyama ang mga katabing customer kaya napilitang sawayin ng suspek ngunit ikinagalit naman ng biktima hanggang sa magtalo ang dalawa saka umalingawngaw ng isang malakas na putok na ikinasawi ni Marasigan. (Arnell Ozaeta)