Empleyadong dumahak sa kainan, dinedo
May 10, 2002 | 12:00am
LIPA CITY, Batangas Binaril at napatay ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Lipa City ng may-ari ng Nenes Restaurant dahil sa pagdura ng biktima sa loob mismo ng nabanggit na kainan sa Market site, Rizal St. ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nakipagtalo pa bago barilin ay nakilalang si Angel Marasigan ng Brgy. San Carlos sa naturang lungsod, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang si Ronald Allan Umali, 38, ng naturang lugar.
Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Antonio Atienza, hepe ng pulisya, lango sa alak ang biktima nang pumasok at kumain sa loob ng nabanggit na restaurant.
Dahil sa pauit-ulit na pagdahak at pagdura sa loob mismo ng kainan ay madisyama ang mga katabing customer kaya napilitang sawayin ng suspek ngunit ikinagalit naman ng biktima hanggang sa magtalo ang dalawa saka umalingawngaw ng isang malakas na putok na ikinasawi ni Marasigan. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Jorge Hallare | 20 hours ago
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am