Sa reklamo ni Reynante Villanueva ng Brgy. Concepcion sa bayang ito, noong Marso 21, 2002 ay nanganak ang kanyang asawa sa nabanggit na hospital ngunit sinabi ng doctor ay patay na ang sanggol nang lumabas sa tiyan kaya inilagay na lamang sa maliit na kahon.
Ayon pa sa idinulog na reklamo, bago pa selyuhan ang kinalalagyan ng kanilang anak ay humirit muna ang mag-asawa na masilayan bago tuluyang lagyan ng selyo upang ipalibing.
Subalit, laking gulat ng mag-asawa nang buksan ang kahon ay biglang umiyak at pumalag ang duguang sanggol kaya napilitan kunin muli ng doktor ang bata saka inilagay sa incubetor hanggang sa tumagal lamang ng isang linggo at tuluyang mamatay.
Umabot pa sa halagang P20,000 ang babayaran ng mag-asawa sa nabanggit na ospital at lumalabas sa pagsusuri na namatay ang sanggol dahil sa pagkalason ng dugo, komplikasyon sa puso at inpeksyon. (Efren Alcantara)