11 Indian 'terrorists' nadakma
May 10, 2002 | 12:00am
GENERAL SANTOS CITY Labing-isang Indian nationals na pinaniniwalaang mga terorista ang nadakma ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard at General Santos City PNP matapos na illegal na pumasok sa bansa kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PNP Recom 12 Director P/Sr. Supt. Bartolome Baluyot, ang mga Indian nationals na sina Tripta Devi, 38; Baluendir Singh, 25; Birk Jalandipat, 36; Jagjet Singh, 24; Sandhu Manjuder, 33; Jasawat Singh, 36; Ancrat Singh, 38; Gurcharanjit Singh, 31; Jagta Singh, 20; Dinosa Kuma Hintani, 25 at Tejinder Singh, 23.
Naharang ang mga dayuhan habang padaong sa dalampasigan ng Brgy. Bawing, GenSan bandang alas-9 ng gabi lulan ng isang fishing boat na F/B Modahesin, samantala, si Ferigno Ando ang tumatayong kapitan ng naturang barko.
Ayon kay Baluyot, ang mga suspek na terorista ay pinaniniwalaang nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng pagdaan sa Indonesian base sa nakuhang ebidensiya sa stamp mula sa kanilang pasaporte nitong huling bahagi ng Abril.
Gayunman, ang nasabing mga passport ay wala umanong exit stamp mula sa Indonesia.
May posibilidad na ang mga pasaporte ng mga suspek ay peke na inisyu sa labas ng New Delhi City.
Ang nasakoteng mga dayuhan ay itinurn-over na ng pulisya sa kustodya ng Bureau of Immigration and Deportation (BID).
Sinabi pa ni Baluyot na naalarma ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat na maraming bilang na ng mga dayuhang mula sa Middle East, Indonesia, Malaysia at India ang nakapasok na sa naturang siyudad at gumagawa ng pananabotahe.
Aniya, nagbabayad umano ng halagang P.1 hanggang P.2 milyon ang mga dayuhan sa sindikato para makapasok sa Pilipinas.(Joy Cantos,Rose Tamayo at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest