^

Probinsiya

Pulis napikon sa basketball, nagpaputok ng baril, misis todas

-
BACOOR, Cavite – Sa pagkapikon ng isang pulis sa larong basketball dahil inakalang dinadaya ang kanyang team ay nagpasyang barilin ng tatlong beses ang basketball board ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinamaan ng ligaw na bala ang isang misis na ikinasawi nito sa Brgy. Longos, Zapote 5 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba pa ang buhay ni Arceli Norcio, 26, may asawa ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na si SPO4 Dante M. Moral na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame ay sumuko ngunit may kumakalat na balitang tumakas ito matapos isagawa ang krimen na naganap dakong alas-8:30 ng gabi.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jose Walter Basto, nagalit ang suspek sa referee dahil sa inakalang dinadaya ang kanyang team kaya sa pagkairita ay nagpaputok ito ng baril hanggang sa tamaan ng ligaw na bala ang biktima. (Lanie M. Sapitanan)

vuukle comment

ARCELI NORCIO

BRGY

CAMP CRAME

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANTE M

JOSE WALTER BASTO

LANIE M

LONGOS

SAPITANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with