^

Probinsiya

Mag-ina minasaker sa Cavite

-
ROSARIO, Cavite – Mistulang kinatay na baboy ang ginawang pagpatay sa mag-ina ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang lango sa droga makaraang pasukin ang kanilang bahay saka pinagnakawan kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Bagbag 1 sa bayang ito.

Tadtad ng saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mag-inang biktima ng masaker na sina Margarita Cuello, 53, isang barangay kagawad, may asawa at anak nitong si Nicole Cuello, 8, grade 5 pupil at residente ng Jupiter St., Timoteo Village ng nabanggit na barangay.

Samantala, isa sa mga suspek ay kapitbahay ng mag-ina at pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan dahil sa isinasagawang dragnet operation sa hindi binanggit na lugar upang hindi makalayo ang mga killer.

Sa isinumiteng ulat ni SPO2 Reynaldo Santos kay P/Chief Insp. Pablo Zorilla, hepe ng pulisya sa bayang ito, may tumawag sa kanilang himpilan na natagpuan ang bangkay ng mag-ina bandang alas-2 ng madaling-araw.

May palagay ang pulisya na pagnanakaw ang motibo ng krimen dahil sa magulo ang loob ng bahay ng mag-ina partikular na ang ilang aparador na winasak at pinaniniwalaang pinagtataguan ng mamahaling alahas at pera. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BAGBAG

BRGY

CHIEF INSP

CRISTINA GO-TIMBANG

JUPITER ST.

MARGARITA CUELLO

NICOLE CUELLO

PABLO ZORILLA

REYNALDO SANTOS

TIMOTEO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with