Kinilala ang mga rebeldeng nadakip na sina Mangontara Imam, 75; Akmad Sarip, 52 at Salik Ampuan, 13 na pawang miyembro ng 3rd Field Division, Bangsa Islamic Armed Forces ng MILF.
Sa ulat mula sa Camp Aguinaldo, nadakip ang mga rebelde dakong alas-4 ng madaling-araw matapos magsagawa ang tropa ng militar ng operasyon dahil sa impormasyong nakalap na may dumaong na mga rebelde sa dalampasigan ng naturang lugar. (Ulat ni Joy Cantos)