Welder napagtripang patayin ng adik

ROSARIO, Cavite - Isang 49-anyos na welder ang kumpirmadong napatay matapos na mapagtripang saksakin ng isang adik sa droga habang naglalakad papauwi ang biktima sa Brgy. Wawa 3 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Stempson Cileros, may asawa ng Brgy. Pulong Ipot, Daang Amaya 3, Tanza, Cavite, samantala, ang suspek na kaagad na tumakas ay nakilalang si Jimmy Ortegasi na pinaniniwalaang lango pa sa droga nang isagawa ang krimen dakong alas-10 ng gabi.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na bumisita lamang ang biktima sa isang kamag-anak sa nabanggit na barangay saka napagtripan naman ng adik. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments