^

Probinsiya

2 dedo, 2 grabe sa road mishap

-
SILANG, Cavite – Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi, samantalang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos na sumalpok ang sinasakyang pick-up ng mga biktima sa sementadong pader ng tulay sa Barangay Lilit sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang namatay na biktima ay nakilalang sina Pedro Sapida, 61, residente ng 439 Barangay Anabu I, Imus, Cavite at Robert Hidalgo ng AFP housing project, Barangay Old Bulihan sa bayang ito.

Samantala, ang mga biktimang nasugatan naman ay nakilalang sina Christian Sapida, 21 at Gregorio Pereña, 34, na kapwa residente ng General Trias, Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Erick Ambojia, may hawak ng kaso, nawalan ng kontrol ang manibela ng sasakyan (WDR-912) na hawak ni Christian dakong alas-8:45 ng gabi kaya sumalpok sa pader na pinaniniwalaang lango pa sa alak ang driver.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nagmula ang mga biktima sa kapistahan sa bayan ng Amadeo, Cavite bago naganap ang road mishap.(Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

BARANGAY ANABU I

BARANGAY LILIT

BARANGAY OLD BULIHAN

CAVITE

CHRISTIAN SAPIDA

ERICK AMBOJIA

GENERAL TRIAS

GREGORIO PERE

MADING SARMIENTO

PEDRO SAPIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with